Meralco, Alaska magpe-playoff
Russell Cadayona (Pang-masa) - July 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tinapos ng Meralco ang limang sunod nilang kamalasan para makamit ang hinahangad na playoff sa pangwalo at huling silya sa eight-team quarterfinal round.

Nagsalpak si import Delroy James ng dalawang mahalagang salaksak sa hu-ling minuto ng final canto para itakas ang Bolts laban sa San Miguel Beermen, 95-91, sa pagtatapos ng elimination ng 2019 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Nagtabla sa 4-7 ang baraha ng Alaska, Meralco at Phoenix at dahil may mas mababang 0.977 quotient ang Fuel Masters ay ang Aces (1.012) at Bolts (1.011) ang maglalaban para sa No. 8 ticket.

“We just fought. If we come and fight we’ll give ourselves a chance to win,” sabi ni James, humakot ng 34 points, 6 assists, 5 rebounds, 4 steals at 2 blocks para sa tropa ni one-time PBA Grand Slam champion coach Norman Black. “One game at a time. Every game we improve. We just have to play our game.”

Nagdagdag si Chris Newsome ng 20 points, 6 boards at 4 assists habang may 15 at 10 markers sina Raymond Almazan at Brian Faundo, ayon sa pagkakasunod.

Dahil sa pagwawakas ng kanilang three-game winning streak ay posibleng mahulog ang San Miguel, may mababang quotient sa No. 7 at makakatapat ang No. 2 team na magdadala ng ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals, depende sa magi-ging resulta ng ikalawang laro kagabi sa pagitan ng TNT Katropa at Magnolia.

Nakuha ng Bolts ang 93-91 abante mula sa layup ni James sa huling 1:03 minuto ng fourth quarter.

Ang tapik ni James sa bolang hawak ni San Miguel reinforcement Chris McCullough ang nagresulta sa kanyang drive para ilayo ang Meralco sa 95-91 sa nalalabing 32.3 segundo.

Naimintis naman ni McCullough ang dalawa niyang free throws sa posesyon ng Beermen sa huling 21.9 segundo na sumelyo sa panalo ng Bolts.

2019 PBA COMMISSIONER CUP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with