Pacquiao vs Khan kasado na pala?
Chris Co (Pang-masa) - July 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang matinding pasabog ang pinakawalan ni British boxer Amir Khan matapos ihayag na kasado na ang laban nito kay eight-division world champion Manny Pacquiao na idaraos sa Nobyembre sa Saudi Arabia.

Inanunsiyo ni Khan sa British radio station TalkSport na pirmado na ang kontrata kaya’t tuluy na tuloy na at wala nang atrasan ang pakikipagtuos nito kay reigning World Boxing Association (WBA) regular welterweight champion na si Pacquiao.

“Signed off and done, to get Manny Pacquiao is amazing,” ani Khan.

Nobyembre 8 ang napagkasunduang petsa, ayon pa kay Khan.

Subalit sa pagkakataong ito, nakasentro ang atensiyon ni Pacquiao sa nakatakdang unification bout nito laban kay WBA super welterweight titlist Keith Thurman sa Linggo sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.

Wala pang sagot si Pacquiao na dumating na sa Las Vegas dahil nais nitong pagtuunan ng pansin ang Thurman fight.

Nauna nang inihayag ni Pacquiao na wala pa sa isip nito ang pagreretiro dahil itinuturing na nitong bahagi ng kanyang buhay at dugo ang boksing.

“I just want to maintain my name in the top of boxing and continue my career. I already accomplished what I want to accomplish in boxing. I’m continuing my career because boxing is my passion,” ani Pacquiao.

Sa kabilang banda, hindi ito ang unang pagkakataon na masisilayan sa aksiyon si Khan sa Saudi Arabia.

Noong nakaraang linggo galing si Khan sa matagumpay na pagkopo ng bakanteng World Boxing Council welterweight crown matapos itarak ang fourth-round knockout win kay Australian Billy Dib sa labang ginanap sa King Abdullah Sports City sa Jeddah.

“To have him sign that dotted line is brilliant. No matter how he does against Thurman I still think it’s a big fight,” ani Khan.

Hindi na bago ang pa-ngalan ni Khan sa Team Pacquiao dahil makailang ulit na itong naging sparring partner ng Pinoy champion sa kanyang mga nakalipas na laban.

Bukas na bukas ang kumunikasyon ng dalawang kampo kaya’t hindi malayo ang posibilidad na matuloy ito.

Isang opisyal na anunsiyo mula sa Team Pacquiao na lamang ang kailangan para mamarkahan ang pa-nibagong labang haharapin ng tinaguriang Pambansang Kamao.

MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with