POC ExtraOrdinary General Assembly ngayon
Francisco Cagape (Pang-masa) - July 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muling magtitipon ngayon ang mga regular members ng Philippine Olympic Committee (POC) sa Extraordinary General Assembly para pagtibayin ang pagbuo ng election committee sa Manila Golf Clubhouse sa Makati City.

Mahigit 45 members na mayroong voting power kabilang na ang dalawa mula sa Athletes Commission at si International Olympic Committee (IOC)  Representative to the Philippines Mikee Cojuangco-Jaworski ang dadalo sa nasabing meeting na isinagawa alinsunod sa direktiba ng IOC at Olympic Council of Asia (OCA).

Itinalaga nina IOC Director for Olympic Solida-rity at National Olympic Committee Relations James Macleod at OCA Director General Hussain Al-Mussalam si IOC member Nrinder Dhruv Batra ng India bilang observer sa nasabing EGA.

Inaasahang pagtitibayin sa EGA ang mga re-solusyon na inaprubahan ng POC executive board noong Hulyo 8 kabilang na ang pagtatalaga kina da-ting Comelec commissioner Rene Sarmiento at Fr. Vic Calvo ng Letran sa election committee kasama ang isa pang nominee mula sa Dispute at Resolution Committee ng POC.

Ang special election para sa mga nabakanteng posisyon-- presidente, chairman at dalawang slots sa exe-cutive board ay nakatakdang gaganapin sa Hulyo 28 alinsunod sa direktiba ng IOC at OCA noong Hulyo 2.

Malalaman na rin ngayong araw kung sinu-sino ang mga tatakbo sa mga nakabanteng posisyon.

Nauna nang nagkumpirma si dating POC chairman at Tagaytay City Congressman Abraham “Bambol” Tolentino ng cycling sa pagka-presidente.

Kabilang din sa nagpahayag ng interes si PATAFA president Philip Ella Juico sa pagkapangulo ng Olympic body ng bansa.

Sa posisyon ng chairman naman ay lumulutang ang pangalan nina taekwondo head Robert Aventajado at dating POC secretary-general Steve Hontiveros.

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with