Tayongtong tinulungan ang Quezon City
(Pang-masa) - July 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Humugot si Joco Tayongtong ng 12 sa kanyang 20 points sa huling limang minuto ng fourth period para tulungan ang Quezon City Capitals na talunin ang Makati Super Crunch, 91-85 sa 2019 MPBL Lakan Season noong Martes ng gabi sa Blue Eagle Gym sa Ateneo.

Tinapos ng Capitals ang sinasakyang four-game winning streak ng Super Crunch na kanilang sinibak sa quarterfinal round ng nakaraang season.

Ang three-point shot ni Tayongtong, isa sa ilang holdovers mula sa original squad, ang nagtabla sa Capitals sa 84-84 kasunod ang agaw niya kay Super Crunch guard Rudy Lingganay para sa kanyang fastbreak basket.

Sa iba pang laro, ipinoste ni Mark Yee ang kanyang ika-23 double-double performance para akayin ang Tigers sa 86-55 panalo laban sa Rizal Golden Coolers-Xentro Mall at nalampasan naman ng Muntinlupa ang pagkakasibak kay head coach Ritchie Melencio para talunin ang Parañaque Patriots-Yabo Sports, 87-78.

Samantala, kinansela ng MPBL ang kanilang scheduled triple header kahapon sa People’s Center sa Bataan dahil sa bagyong ‘Falcon’.

2019 MPBL LAKAN SEASON
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with