NY Knicks humugot pa ng 2-players
(Pang-masa) - July 18, 2019 - 12:00am

NEW YORK - Ipinagpatuloy ng Knicks ang pagkuha sa mga natitirang mahuhusay na players matapos mabigong mahugot ang mga top free agents sa NBA offseason.

Pinapirma ng New York sina Reggie Bullock at Marcus Morris para idagdag sa kanilang mga free-agent acquisitions na sina Julius Randle, Elfrid Payton, Taj Gibson Wayne Ellington at Bobby Portis.

Nabigo ang Knicks na mahikayat sina Kevin Durant at Kyrie Irving at iba pang superstars na lumipat sa kanilang koponan.

Naglaro si Bullock para sa Detroit Pistons at Los Angeles Lakers sa nakaraang season kung saan nagtala ang sixth-year shooting guard ng mga averages na 11.3 points, 2.7 boards at 2 assists.

Kumamada naman si Morris ng mga averages na 13.9 points, 6.9 rebounds at 1.5 assists sa nakalipas na season sa kanyang paglalaro para sa Boston Celtics.

Lalagda sana ang versatile forward sa San Antonio Spurs, ngunit tinanggihan ang alok na two-year $20-million contract at lumipat sa Knicks para pirmahan ang isang one-year, $15 million deal.

Samantala, humakot si Brandon Clarke ng 15 points at 16 rebounds para tulungan ang eighth-seeded Memphis Grizzlies sa 95-92 pagtakas kontra sa third-seeded Minnesota Timberwolves sa championship game ng 2019 NBA Summer League sa Las Vegas.

Kumolekta din si Clarke, hinirang na overall MVP para sa summer league, ng 3 blocks at 4 assists para makuha ang championship game MVP.

Mayroon siyang apat na double-doubles sa torneo.

Inihayag naman ng Bucks ang pagpapapirma nila kay free agent forward Thanasis Antetokounmpo, ang nakakatandang kapatid ni 2019 NBA MVP Giannis Antetokounmpo.

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with