Folayang, Alvarez awtomatikong pasok na sa ONE Lightweight World Grand Prix semis
MANILA, Philippines — Inihayag ng One Championship (ONE) na pasok na sina dating One Lightweight World Champion Eduard “Landslide” Folayang ng Philippines at kalabang si World Champion Eddie “The Underground King” Alvarez ng United States sa One Lightweight World Grand Prix semifinals matapos mapuwersang mag-withdraw si Timofey Nastyukhin dahil sa injury.
Magbabalik aksiyon si Alvarez, four-time Lightweight World Champion na may misyong maging kauna-unahang kampeon ng tatlong magkakaibang grupo.
Si Folayang, ipinanganak sa Baguio City ay dating One Lightweight World Champion na sumali sa Philippines Wushu Team kung saan nanalo siya ng ilang gold medals bago lumipat sa mixed martial arts sa ilalim ni Mark Sangiao sa Team Lakay at nakopo nito ang Filipino Welterweight Championship sa kanyang June 2007 debut.
Makalipas ang limang taon, bu-malik siya sa Singapore para makopo ang One Lightweight World Title nang talunin niya si Shinya Aoki.
Nawala kay Folayang ang titulo ngunit nabawi niya ito at idinepensa noong March sa rematch laban sa Japanese warrior ngunit natalo ang Pinoy via first round submission.
Ang mananalo sa labang ito ay haharap kay Turkish sensation Saygid Guseyn Arslanaliev sa One Lightweight World Grand Prix Finals.
Para sa ticket information, mag-log-in sa www.onefc.com.
- Latest