^

PM Sports

GenSan, Batangas at Cebu nagsipanalo

Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagtala ng panalo ang Ge­­neral Santos, Batangas at Ce­­bu sa 2019 MPBL La­­kan Season.  

Nagtulung-tulong ang mga Warriors upang ta­­bu­nan ang pagkawala ni ace player Mike Williams at tapusin ang four-game winning streak ng Valenzuela Classic sa pamama­gitan ng 93-87 panalo no­­­ong Lu­nes ng gabi sa Va­lenzuela Astrodome.

Nanguna si Rob Celiz sa apat na players na tumapos ng double figures sa pagkamada ng 25 points para sa Warriors na may 12-of-23 shooting sa three-point area.

Tumapos naman si ace guard Pamboy Raymun­do na may 14 points at 12 assists, habang si John Orbeta ay may 12 mar­kers at may 10 naman si Meylan Landicho para sa Warriors na sumulong sa 4-2 kartada.

Ito ang ikalawang su­nod na panalo ni head coach Rich Alvarez.

Nauna rito, nakabawi ang Batangas City sa ka­ni­lang masaklap na pag­ka­talo sa pamamagitan ng pi­naghirapang 101-89 overtime win kontra sa pa­labang Basilan Steel.

 Niyanig ng Tanduay-backed Athletics ang Jum­bo Plastic-supported Steel sa extra period kung saan nilimitahan nila ang kala­ban sa apat na puntos lamang para sa kanilang ika­la­wang panalo sa tatlong la­ban.

Nalasap naman ng Ba­silan ang ikalawang pagka­talo sa limang laro.

 Sumandal naman ang Cebu Sharks kay Will Mc­­­Aloney sa huling tatlong segundo ng laro pa­ra taka­san ang Iloilo Uni­ted Royals, 69-68.

vuukle comment

MPBL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with