Meralco hahabol sa playoffs
Russell Cadayona (Pang-masa) - July 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isa lang ang kaila-ngang gawin ng Meralco pa­ra makuha ang playoff sa No. 8 berth -- ito ay ang talunin ang San Miguel.

Ngunit hindi ito mada­li dahil nasa isang five-game losing slump ang Bolts kumpara sa Beermen na sumasakay sa tat­long sunod na ratsada si­mula nang palitan ni Chris McCollough si one-time PBA Best Import Charles Rhodes.

“For us, talagang must-win kami,” sabi ni San Mi­guel coach Leo Austria sa kanilang pagharap sa Me­­ralco. “Every game namin since three games ago, ta­lagang treatment namin do-or-die na lahat iyan eh.”

Magtutuos ang Beermen at Bolts ngayong alas-4:30 ng hapon kasunod ang laro ng TNT Katropang Texters at Magnolia Hotshots sa alas-7 ng gabi sa 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Co­liseum.

Bitbit ang 5-5 record, ha­­ngad ng San Miguel na makapuwesto sa No. 5, samantalang puwersado ang Meralco na manalo para ma­­kahirit ng playoff sa No. 8 seat katapat ang Alaska.

Kung matatalo ang Bolts ay pag-aagawan ng Aces at Phoenix Fuel Mas­ters ang No. 8 spot na ka­­sagupa ang No. 1.

Sa quarterfinals, ang No. 1 at No. 2 teams ang hahawak ng twice-to-beat’ edge kontra sa No. 8 at No. 7 squads, ayon sa pag­ka­ka­sunod, habang maghaharap sa best-of-three series ang No. 3 laban sa No. 6 at No. 4 versus No. 5.

Sa ikalawang laro, target naman ng TNT Katro­pa ang maibulsa ang No. 1 ticket sa pagsagupa sa Mag­nolia, ipaparada si Ra­keem Christmas.

Ang kabiguan ng Tropang Texters sa Hotshots ang maghuhulog sa kanila sa No. 2 kahit magtabla sila ng NorthPort Batang Pier sa 9-2 baraha dahil sa ‘win-over-the-other’ rule.

Nauna nang giniba ng NorthPort ang TNT Katropa, 110-86, noong Ma­yo 29.

MERALCO PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with