^

PM Sports

Smith tinapik ng Blackwater para sa kampanya sa quarters

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Smith tinapik ng Blackwater para sa kampanya sa quarters
Si Greg Smith para sa Blackwater noong 2017.

MANILA, Philippines — Pamilyar na mukha sa katauhan ni Greg Smith ang kinuha ng Blackwater upang maging reinforcement papasok sa quarterfinal round ng 2019 PBA Commissioner’s Cup.

Papalitan ni Smith si Stephon Blair na umiinda ng knee injury.

Magugunitang si Smith talaga ang asinta ng Elite na maging replacement import para kay Alex Ste­pheson na napilitang umuwi ng United States dahil sa stomach pain.

Subalit naglalaro pa noon ang 28-anyos na si Smith sa Puerto Rico na siyang nagpuwersa sa Blackwater na maglagak muna ng All-Filipino team sa ilang laro bago makakuha ng replacement import sa katauhan ni Blair.

Bukod sa Puerto Rico stint ay beterano rin si Smith ng NBA D-League kung saan siya nakasama sa All-Rookie Team at All-First Team.

Bagama’t isang undrafted player sa NBA noong 2011 ay sumalang na rin siya sa mga koponan ng Houston Rockets, Minnesota Timberwolves at Dallas Mavericks.

Nagsilbi nang reinforcement ng Elite si Smith no­ong 2017 subalit hindi ito nagresulta sa playoffs nang malaglag agad sa 3-8 kartada ang koponan.

Matapos ito ay nakunsidera ni dating Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes si Smith na isa sa ma­ging susunod na naturalized player ng Philippine na­tional team.

Ngayong bagong bihis at pinalakas na Blackwater squad ang dadatnan ni Smith.

Sa pangunguna ng sensational rookie na si No. 2 overall pick Bobby Ray Parks, Jr. ay naselyuhan ng Elite ang tersera puwesto sa mid-season conference hawak ang 7-4 kartada.

Ngayong nasa poder nila ulit si Smith ay inaa­sa­hang magiging mas mabangis ang Blackwater na hangad ang kauna-unahang semifinals berth sa franchise history.

Makakaharap ng Elite sa quarterfinals ang alinman sa Rain or Shine o San Miguel simula sa Sabado depende pa sa resulta ng natitirang dalawang playdates bukas at sa Biyernes.

Samantala, lalabanan ng Beermen ang Meralco Bolts bukas ng alas-4:30 ng hapon kasunod ang sal­pukan ng TNT Katropang Texters at Magnolia Hotshots sa alas-7 ng ga­bi sa Smart Araneta Coliseum.

Asam ng Tropang Texters na mapormalisa ang ka­­nilang pagpitas sa No. 1 berth, habang hangad ng Hotshots na makuha ang No. 5 slot.

Sa quarterfinals ay magkakaroon ang No. 1 at No. 2 teams ng ‘twice-to-beat’ advantage laban sa No. 8 at No. 7 squads, ayon sa pagkakasunod.

Magtutuos naman sa best-of-three series ang No. 3 laban sa No. 6 at ang No. 4 kontra sa No. 5.

vuukle comment

2019 PBA COMMISSIONER CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with