PAGCOR chairman sa PSA ngayon
MANILA, Philippines — Magiging pangunahing panauhin ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum si Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman at Chief Executive Officer Andrea D. Domingo ngayong alas-10 ng umaga sa Amelie Hotel-Manila.
Tatalakayin ni Domingo ang ibinibigay na suporta ng gaming agency sa Philippine sports.
Ang PAGCOR din ang matagal ng nagtataguyod sa pinakamatandang public sports program katuwang ang San Miguel Corp., Braska Restaurant at Amelie Hotel.
Makakasabay ni Domingo sa PSA Forum si Skateboarding and Rollerblade Association of the Philippines President Monty Mendigoria para ilahad ang nangyari sa katatapos na National Open Skateboarding and Rollerblade Championships sa Sta. Rosa, Laguna pati na ang qualifying campaign ni Margielyn Didal para sa 2020 Tokyo Olympics at ang paghahanda nila sa darating na 30th Southeast Asian Games.
- Latest