NLEX sinilat ang Phoenix
Russell Cadayona (Pang-masa) - July 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Dahil walang nakuhang solidong produk-syon kay one-time PBA Best Import Richard Howell ay nalagay sa balag ng alanganin ang kampanya ng Phoenix.

Naglaro naman nang walang pressure ang sibak nang NLEX.

Ang resulta nito ay ang 87-85 panalo ng Road Warriors laban sa Fuel Masters sa pinakahuli nilang laro sa 2019 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Ito ang pangatlong tagumpay ng NLEX sa 11 asignatura habang nalasap ng Phoenix ang kanilang ikatlong dikit na kamalasan para sa kanilang 4-7 record.

“We survived a badly officiated game,” reklamo ni coach Yeng Guiao na nasibak sa huling 42 segundo ng laro matapos ang dalawang sunod na technical fouls.

Itinatayo ng Road Warriors ang 20-point lead, 52-32 sa pagbubukas ng third quarter bago naglunsad ang Fuel Masters ng 22-6 atake tampok ang tatlong free throws ni Matthew Wright para makadikit sa 54-58 sa hu-ling 1:34 minuto ng laro.

Sa nasabing ratsada ay wala si Howell, tumapos na may 11 points.

Isang 12-4 bomba naman ang inihulog ng NLEX para makalayo sa Phoenix sa 70-58 sa 8:34 minuto ng final canto.

Nakalapit naman uli ang Fuel Masters sa 85-86 mula sa three-point shot ni RJ Jazul sa huling 6.2 segundo kasunod ang free throw ni Jericho Cruz sa nalalabing 2.6 segundo para selyuhan ang panalo ng Road Warriors.

Samantala, magtutuos ang Rain or Shine at San Miguel sa mahalagang laro ngayong alas-5 ng hapon sa Xavier University Gymnasium sa Cagayan de Oro City

Parehong asam ng Elasto Painters at Beermen, kapwa nasa two-game winning streak, na mapatibay ang kanilang pag-asa sa quarterfinals.

 

 

NLEX
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with