^
Motivated pero mag-iingat si Manny

Motivated pero mag-iingat si Manny

Chris Co (Pang-masa) - July 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Alam ni eight-division world champion Manny Pacquiao na hindi birong makaharap si undefeated American fighter Keith Thurman.

Kaya naman mas magiging maingat ito upang maiwasan ang mga hindi inaasahang pangyayari tulad ng nangyari sa kaniyang nakalipas na mga laban partikular na kontra kay Juan Manuel Marquez noong 2012.

Magugunitang lumasap si Pacquiao ng sixth-round knockout loss sa naturang laban dahil sa pinaniniwalaang hindi pag-iingat nito sa laban.

Ayaw na itong maulit ni Pacquiao.

Hindi ipipilit ng Pinoy champion na makuha ang knockout win dahil kusa itong darating kung mabibigyan ng pagkakataon.

“I don’t want to be careless in the fight. But I have to make sure, if he gives me that chance, why not? I have to grab that opportunity to knock him out. Knockouts will come, but I’m not saying that I’m going to make a higher prediction for this fight,” ani Pacquiao.

Tiniyak din ni Pacquiao na mas preparado siya ngayon  kumpara sa kanyang huling dalawang laban.

Mas determinado ito dahil sa motibasyong nakukuha nito sa trash talking ni Thurman.

“And believe me, this is a very interesting fight for me, because it’s been a long time that I’ve never focused like this in my fight,” aniya.

Kaya’t asahan ang mas mabagsik na Pacquiao na tutuntong sa ibabaw ng ring sa Hulyo 20 (Hulyo 21 sa Maynila) sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

“I’m so motivated by all that he’s said, the trash-talk that he’s made. Even my mom, she got mad. It gives me more motivation to focus the training and to focus my condition and how hard I push the training,” dagdag ni Pacquiao.

Alam ni Pacquiao na ilalabas ni Thurman ang lahat ng alas nito upang patunayan sa buong mundo ang kanyang pinagsasabi sa kanyang mga interviews.

At handa si Pacquiao sa anumang bombang ilalabas nito.

“I’m sure and I’m expecting from him 100 per cent conditioning. He did a lot of things in training; this time around he worked hard. He’s well prepared for this fight, because he’s not fighting Lopez, he’s fighting Manny Pacquiao,” ani Pacquiao.

 

 

MANNY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with