Magandang pagtatapos sa elims asam ng Petron
(Pang-masa) - July 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Balak tapusin ng Petron ang kanilang kampan-ya sa first round ng eliminations bitbit ang panalo sa pagharap nito sa Sta. Lucia sa Philippine Superliga (PSL) All-Filipino Conference ngayong araw sa Alonte Sports Arena sa Biñan City.

Maghaharap ang dalawang tropa bandang alas-6 ng gabi at umaasa ang Blaze Spikers na maiposte nito ang ikaanim na panalo sa pitong laro.

Sisimulan ng bakbakang Marinerang Pilipina at Cignal bandang alas-4 ng hapon ang double-header game na ito.

Tatangkain ng HD Spikers na matuldukan ang patuloy na paglubog matapos malasap ang ikaapat na sunod na talo sa kamay ng Foton, 27-25, 23-25, 20-25, 19-25  nitong Martes sa Strike Gymnasium sa Bacoor City.

Hindi napigilan ng HD Spikers nina Mylene Paat at Rachel Ann Daquis ang pag-alagwa ni Jaja Santiago para sa Foton na tumapos ng 29 puntos para ibigay sa tropa ang ikaapat nitong panalo sa pitong laro.

Pero ang pinakaaabangan ay ang laban ng Petron na puntirya ang panalo sa huling laro nito sa first round para mabitbit ang momentum sa pagpasok ng second round sa susunod na linggo.

“I know we’ve been struggling in our past games. But I’m glad that the team showed its real potential from a win we had over Generika-Ayala last Tuesday,” wika ni Petron coach Shaq Delos Santos. “We just need to focus on the team right now and do the things we need to do and improve on.”

Sa panig naman ng Lady Realtors, susubukan nilang gumawa ng himala para matuldukan ang kanilang five-game losing streak at kunin ang ikalawa nitong panalo sa torneo. Fergus E. Josue, Jr.

 

PETRON
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with