Pacquiao vs Mayweather rematch pagkatapos ni Thurman-- Roach
Chris Co (Pang-masa) - July 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Muling iginiit ni American trainer Freddie Roach ang Manny Pacquiao-Floyd Mayweather rematch matapos ang laban ng Pinoy champion kontra kay Keith Thurman sa Hulyo 20 (Hulyo 21 sa Maynila) sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Hindi maiwang tanungin si Roach tungkol kay Mayweather nang humaharap ito sa media.

At iisa pa rin ang sagot nito.

Nais nitong muling makaharap ni Pacquiao si Mayweather upang tapusin ang tinawag nitong “unfinished business” sa pagitan ng dalawang boksingero.

Marami ang nadismaya sa unang paghaharap nina Pacquiao at Mayweather noong 2015.

Tinawag pa itong “Fight of the Century.”

Subalit hindi nakasabay ng husto si Pacquiao dahil sa iniinda nitong shoulder injury.

Kaya naman hangad ni Roach na muling ma-bigyan ng pagkakataon si Pacquiao na patunayan ang kanyang tikas sa harap ni Mayweather.

Umaasa si Roach na ang panalo kay Thurman ang magbibigay-daan para mabuksan ang pintuan para sa Pacquiao-Mayweather rematch.

“Hopefully we can get Mayweather to come to the table. I would like us to have one more crack at him. We didn’t fight a great fight that night. Manny’s shoulder didn’t help at all. He’s had surgery since then, he’s 100 percent now,” ani Roach sa open media day ni Pacquiao sa Wild Card Gym sa Los Angeles, California.

Dahil sa injury, dismayado si Roach sa naging laban ni Pacquiao noong 2015.

“I would like us to fight Mayweather again because I didn’t like the way we performed. I was disappointed in myself,” aniya.

Sa ngayon, wala sa isip ni Pacquiao ang rematch dahil nakasentro ang kanyang atensiyon sa laban kontra kay Thurman.

“Floyd is retired. I am only looking at active fighters. Floyd is not active anymore,” Pacquiao said. “Right now I’m only thinking about Thurman,” ani Pacquiao.

 

PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with