San Beda, Lyceum asam ang win No. 2
Francisco Cagape (Pang-masa) - July 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Kapwa target ng opening day winners San Beda Red Lions at Lyceum Pirates ang ikalawang sunod na panalo ngayon sa pagpapatuloy ng Season 95 NCAA basketball tournamant sa The Arena sa San Juan City.

Haharapin ng three-peat champion Red Lions ang Jose Rizal Heavy Bombers sa alas-12 ng tanghali habang magtatagpo naman ang Pirates at Emilio Aguinaldo Generals sa alas-4 ng hapon.

Sa iba pang laro, kapwa asam ng Letran Knights at Arellano Chiefs na pumasok sa win column sa kanilang engkuwentro sa alas-2 ng hapon.

Sa juniors division, maglalaban ang JRU Light Bombers at SBU Red Cubs sa alas-8 ng umaga na susundan ng laro ng Letran Squires at Arellano Braves sa alas-10.

Hangad naman ng LPU Junior Pirates ang ikalawang panalo sa pakikipagtuos sa EAC Brigadiers sa alas-6 ng gabi.

Matapos ang 59-46 panalo sa Arellano Chiefs noong Linggo, kumpiyansa ang Red Lions laban sa Heavy Bombers na galing sa 51-82 kabiguan sa San Sebastian Stags noong Martes.

Inaasahang muling hahataw ang Fil-Canadian na si James Kwekuteye at Cameroonian Donaldo Tankoua para manatili sa sosyohan sa top spot ang SBU.

Nagsanib puwersa sina Kuekuteye at 6’5 center Tankoua sa 23 puntos sa kanilang unang laro kung saan tumulong din ng siyam na puntos si Evan Nelle.

Itatapat naman ni coach Louie Gonzalez ng JRU sina Marwin Dionisio, Stefan Steinl, Chester Jungco, Jhon Agular at Mark De La Virgen na nag-ambag ng kabuuang 33 puntos sa laban kontra sa San Sebastian.

Inaasahan naman ang magandang laban sa pagitan ng Pirates at Generals kung saan gusto ni bagong coach Oliver Bunyi ng EAC na bumawi sa kanilang 66-69 talo sa St. Benilde Blazers noong Martes.

 

SAN BEDA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with