Nagparamdam ang San Beda
Francisco Cagape (Pang-masa) - July 8, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kagaya ng inaasahan, nalampasan ng three-peat champion San Beda Red Lions ang hamon ng host Arellano Chiefs, 59-46 para sa pagpapahiwatig ng seryosong kampanya para sa ikaapat na titulo kahapon sa pagbubukas ng Season 95 NCAA basketball tournament sa MOA Arena sa Pasay City.

Dumaan din sa pagsubok ang Red Lions bago tuluyang nakuha ang momentum sa laro, mahigit tatlong minuto ang natitira sa ikatlong yugto sa arangkada nina Fil-Canadian James Kwekuteye, Came-roonian Donald Tankoua, John Bahio at  Evan Nelle.

Umani ng 13 puntos, 12 rebounds, tatlong assists at dalawang steals ang 6’5 na si Tankoua habang si Kwekuteye ay umiskor ng 10 at siyam mula kay Nelle.

Pinangunahan ng nagbabalik na si Kent Salado ang Arellano sa kanyang 18 puntos ngunit siya lamang ang umiskor ng double digits sa tropa ni rookie coach Cholo Martin.

Sa unang laro, nagsanib puwersa ang Marcelino twins na sina Jaycee at Jayvee upang iangat ang Lyceum Pirates sa 84-80 panalo laban sa Letran Knights.

Tumapos ng 24 puntos si Jaycee, walo nito sa fourth quarter na may kasama pang anim na rebounds, limang assists at tatlong steals habang 18 naman kay Jayvee kabilang na ang walo sa payoff period para sa magandang umpisa sa tropa ni coach Topex Robinson.

Tumulong din ng 16 puntos si Reymar Caduyac ng 16 puntos, limang rebounds at tatlong assists para sa Pirates.

“We might be the smallest, but what we have is the quickest team in the league right now and we’re focusing on all our energy to being the smallest and the quickest team in the league, hoping that teams won’t catch up our quickness,” sabi ni coach Robinson.

Kahit wala ang Came-roonian na si Mike Nzeus-seu dahil sa injury, hindi ito naging hadlang sa mga beteranong Marcelino twins lalong lalo na kay Jayvee na umiskor ng lay-up sa huling 3.8 segundo upang itakas ang panalo.

“Sabi nga ni Jaycee, ‘Coach, tayo na ang pinakamaliit.’ But sabi ko nga sa kanila, we have two choices: it’s either we lose by just being the smallest team or we win by being the smallest team,” ani Ro-binson.

 

SAN BEDA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with