Bataan, Quezon City, Pampanga nalo
(Pang-masa) - July 8, 2019 - 12:00am

ANGELES CITY, Philippines — Umiskor ng panalo ang Bataan Risers, Quezon City Capitals at Pampanga Giant Lanterns para makabalik sa winning track sa 2019 MPBL Lakan Season noong Sabado ng gabi dito sa Angeles University Foundation Arena.

Bumangon ang Risers mula sa kanilang two-game losing skid para talunin ang expansion squad na Mindoro Tamaraws, 97-87.

“Actually, it was me who’s struggling not the players, because the players, particularly the newcomers in the MPBL play similarly in the collegiate ranks – the up tempo style of play. I’m having difficulty with that, especially in a 40-minute game,” sabi ni Bataan coach Jong Uichi-co, isang nine-time PBA champion na sanay sa deliberate half court set.

May 2-2 baraha ngayon ang Risers ni Uichico sa Northern Division.

Samantala, binigo naman ng Capitals ang Iloilo Voltage, 84-80 sa pa-ngunguna ni Joco Tayongtong na kumamada ng 20 points.

Nakabawi rin ang Giant Lanterns sa kanilang two-game slump makaraang patumbahin ang Bulacan Kuyas, 69-63.

Ito ang ikalawang panalo ng Pampanga sa apat na laro, habang nalasap ng Bulacan ang kanilang pangalawang kabiguan sa limang laban.

Sumandal ang Giant Lanterns kina ex-pros Mark Cruz at Riel Cervantes para talunin ang Kuyas at makabalik sa winning track.

Naglista si Cruz ng 14 points at 10 assists habang kumamada si Cervantes sa dulo ng fourth period kung saan siya nagsalpak ng isang three-point shot sa huling 19 segundo.

Matapos ang mintis ng Bulacan ay nahablot ni Dexter Maiquez ang rebound para sa kanyang dalawang free throws na sumelyo sa panalo ng Pampanga.

BATAAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with