Klay Thompson
Klay Thompson kumapit sa Warriors
(Pang-masa) - July 3, 2019 - 12:00am

OAKLAND, California -- Kumpara kay Kevin Durant, mas pinili ni All-Star guard Klay Thompson na manatili sa Golden State Warriors.

Inihayag ni Thompson ang kanyang naging desisyon sa Instagram account niya at ginamit ang isang clip sa pelikula ni Leonardo DiCaprio na “The Wolf of Wall Street” na may linyang “I’m not leavin!” .

Sinabi ni Greg Lawrence, ang agent ni Thompson, na pipirma ang shooting guard sa Warriors para sa isang five-year max contract na nagkakahalaga ng $190 milyon sa pagtatapos ng NBA free agent moratorium period.

Walang plano si Thompson na iwanan ang Golden State kung saan sinabi niya noong nakaraang taon na,  “I’ve said it many times before: I would like to be a Warrior for life.”

Nakatakda siyang sumailalim sa operasyon noong nakaraang linggo para sa kanyang napunit na ACL sa kaliwang tuhod na nangyari noong  Game Six ng nakaraang 2019 NBA Finals laban sa kampeong Toronto Raptors.

Hindi kinumpirma ng Warriors o ni Lawrence kung natuloy ang nasabing operasyon kay Thompson.

Kasama ang kanyang ‘Splash Brother’ na si Stephen Curry, kilala si Thompson sa kanyang three-point shooting accuracy.

Nauna nang lumagda si Curry sa isang $201 million, five-year contract noong Hulyo ng 2018.

Si Thompson ay bahagi ng limang sunod na NBA Finals appearances ng Warriors at may tatlong NBA championships.

Sinabi kamakailan ni Warriors general manager Bob Myers na plano niyang kausapin si Thompson bago magsi-mula ang free agency.

Kamakalawa ay iniwanan ni Durant ang Golden State para lumipat sa Brooklyn Nets kung saan makakatambal niya si dating Boston Celtics guard Kyrie Irving.

Samantala, pinahala-gahan naman ni Warriors owner Joe Lacob ang na-ging kontribusyon ni Durant sa pamamagitan ng pagdedeklara na walang player na magsusuot ng jersey No. 35 habang siya ang team chairman.

“Today, as he starts a new chapter in his incre-dible career, we thank KD for all of his contributions, for being an integral part to one of the most prolific runs in NBA history and wish him well as he continues his Hall of Fame journey,” ani Lacob sa isang statement. “As long as I am Co-Chairman of this team, no player will ever wear (No.) 35 for the Warriors again.”

KLAY THOMPSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with