Iloilo wagi sa Bataan
(Pang-masa) - July 3, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Idinagdag ng expansion team na Iloilo ang biga-ting Bataan sa kanilang mga naging biktima sa 2019 MPBL Lakan Season.

Tinagpas ng United Royals ang Risers, 84-78 para sa kanilang ikalawang sunod na panalo na tinampukan ng 19 points at 11 rebounds ni Richard Escoto.

Umiskor din ng 19 markers si local boy Aaron Jeruta kasunod ang 16 points ni ex-pro Samboy de Leon para sa 2-0 record ng Iloilo sa nasabing regional amateur basketball tournament.

Samantala, nagposte rin ng panalo ang Valenzuela at Navotas.

Inilista ng Valenzuela ang kanilang ikalawang dikit na ratsada matapos talunin ang Quezon City, 70-65.

Kumolekta si Paolo Hubalde ng 22 points, 7 rebounds, 4 assists at 2 steals para banderahan ang Classics, nakahugot kay Onin Catacutan ng 9 points at 10 rebounds.

Bumangon naman ang Navotas mula sa 19-point deficit para resbakan ang Bacolod, 78-69 sa tulong ng 14 points at 8 boards ni Allan Evangelista, bahagi ng University of Santo Tomas champion team noong 2006 UAAP.

BATAAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with