Butler maglalaro para sa Heat; Horford magsusuot ng 76ers jersey
(Pang-masa) - July 2, 2019 - 12:00am

MIAMI - Pumayag si veteran guard Jimmy Butler sa $142 million, four-year contract mula sa trade sa pagitan ng Heat at Philadelphia 76ers.

Para makumpleto ang nasabing palitan ay isasama ng Miami at Philadelphia sa kanilang usapan ang Dallas Mavericks.

Ibibigay ng Heat si Josh Richardson sa 76ers at da­dalhin si Goran Dragic sa Mavericks.

Samantala, lalagda si Al Horford sa isang four-year, $97 million deal sa Philadelphia.

Nagtala ang 6-foot-10 na si Horford ng mga averages na 13.6 points, 6.7 rebounds at 4.2 assists para sa Boston Celtics sa nakalipas na season.

Sa Portland, pipirmahan ni Damian Lillard ang four-year Supermax extension sa Trail Blazers na nag­kakahalaga ng $200 milyon.

Sa Oakland, plano ng Golden State Warriors na ma­hugot si D’Angelo Russell mula sa Brooklyn Nets.

Hinahabol din ng Los Angeles Lakers ang 23-anyos na si Russell, isang unrestricted free agent.

Dadalhin naman ng Warriors si Andre Iguo­da­la sa Memphis Grizzlies kasama ang isang protected 2024 draft pick.

Sa Toronto, umaasa si Raptors head coach Nick Nurse na mananatili sa kanila si star fiorward Kawhi Leo­nard.

Makikipagpulong si Leo­nard sa Lakers at LA Clippers bago magde­sis­yon kung saan siya mag­lalaro.

Sa Milwaukee, ibibigay ng Bucks si guard Mal­colm Brogdon sa Indiana Pa­cers.

Bilang kapalit ay ma­kukuha ng Mil­wau­kee sa India­na ang isang 2020 first-round draft pick at da­lawang future second-round picks,

JIMMY BUTLER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with