Biado, De Luna tumumbok ng tiket sa quarterfinals
Chris Co (Pang-masa) - June 30, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tuloy ang mainit na ratsada nina dating world champion Carlo Biado at Jeff De Luna para makahirit ng tiket sa quarterfinal round ng prestihiyo­song 2019 World Cup of Pool na ginaganap sa Mor­ningside Arena sa Lei­cester.

Inilabas nina Biado at De Luna ang bangis ng mga Pinoy cue masters ma­tapos irehistro ang 7-5 pananaig kina Klenti Kaci at Besar Spahiu ng Albania sa Round-of-16 ng torneong may basbas ng World Pool-Billiard Association.

Nauna nang tinalo ni­na Biado at De Luna sina  Roman Hybler at Michal Ga­ven?iak ng Czech Re­public mula sa bendisyon ng 7-6 desisyon sa first round ng event na may na­kalaang $250,000 tampok ang $60,000 para sa magkakampeong pares.

Sunod na makakasa­gu­­pa nina Biado at De Lu­­na sina Filipino-Cana­dian Alex Pagulayan at Ca­nadian Joshua Filler na nagsumite ng 7-6 pa­na­lo kina Mark Magi at Denis Grabe ng Estonia sa hiwalay na Round-of-16 game.

Umentra rin sa quar­ter­­finals sina reig­ning cham­pions Wu Jia­qing at Liu Haitao ng Chi­na na nagtala ng 7-6 pa­nalo la­ban kina Enri­que Rojas at Alejandro Car­vajal ng Chile.

Makakalaban nina Wu at Liu sa quarters si­na Marc Birjstenbosch at Niels Feijen ng Netherlands na umiskor ng 7-3 panalo kina Shane Van Boening at Skyler Woodward ng Amerika.

Ang iba pang quarterfinalists ay ang Greece na nanalo sa Chinese-Taipei (7-5), Finland na namayani sa Spain (7-5) at Great Britain na nagwagi sa Poland (7-5), at Austria na nanaig sa Hong Kong (7-5).

BIADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with