Lakers pinaluwag ang salary cap
(Pang-masa) - June 29, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mas lumawak ang kakayahan ng Los Angeles Lakers na makakuha pa ng isang malakas na player matapos ipasa sina Moritz Wagner, Isaac Bonga at Jemerrio Jones bukod pa sa second round pick sa Washington.

Magbibigay din ang Wizards ng cash sa New Orleans Pelicans sabi pa ng source dahil sa July 6  pa maipopormalisa ang deal na unang naiulat sa ESPN at The Washington Post.

Ito ay nagkaloob sa Lakers ng espasyo para makakuha ng katulong sina Davis at LeBron James sa susunod na NBA season.

Nauna nang nakipagkasundo ang Lakers na kunin si Anthony  Davis mula sa New Orleans kapalit nina  Lonzo Ball, Josh Hart, Brandon Ingram at tatlong first-round draft picks.

Ang Lakers ay may $32.7 milyon nang espasyo sa kanilang salary cap na gagamitin kay Davis at bukod pa rito ay may kakayahan silang kumuha pa ng isang ma-lakas na player alinman kina Kyrie Irving, Kemba Walker, Kawhi Leonard, Jimmy Butler o Klay Thompson.

Ayon sa mga ulat, kinokonsidera ni Thompson ang Lakers at Clippers kung hindi siya bibigyan ng five-year, $190 million max deal ng Warriors.

Dahil hindi nakasama si Thompson sa All-NBA teams noong nakaraang season, malabo siyang makakuha ng super-max contract na $190 million hanggang $221 million para sa limang taon.

Nakatakda naman diumanong makipagkita si Leonard sa  dalawang LA teams  sa pagbubukas ng free agency sa June 30, ayon naman sa impormante ng Yahoo Sports.

Tinanggihan ni Leo-nard ang kanyang 21.3 milyong player option sa Toronto para makipagkita sa mga teams na interesado sa kanya bago magdesisyon.

Ang Lakers ay may espasyo  sa salary cap para sa isang max player habang ang Clippers ay kayang kumuha ng dalawa.

Gayunpaman ay seryosong kinokonsidera ng 2019 Finals MVP na manatili sa Raptors ayon pa sa source.

 

LAKERS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with