Biado, De Luna pasok sa Rnd-of-16
Biado, De Luna pasok sa Rnd-of-16
Chris Co (Pang-masa) - June 28, 2019 - 12:00am

2019 World Cup of Pool

MANILA, Philippines – Magarbong sinimulan nina dating world champion Carlo Biado at Jeff De Luna ang kampanya ng Pilipinas matapos magtala ng pambuenamanong panalo upang umabante sa Round-of-16 ng prestihiyosong 2019 World Cup of Pool na ginaganap sa Morningside Arena sa Leicester.

Naitarak nina Biado at De Luna ang 7-6 panalo laban kina Roman Hybler at Michal Gaven?iak ng Czech Republic para maisaayos ang pakikipagtuos kina Klenti Kaci at Besar Spahiu ng Albania.

Umabante sa second round sina Kaci at Spahiu matapos ilampaso sina Fedor Gorst at Ruslan Chinaklov ng Russia sa iskor na 7-3 sa hiwalay na first-round match ng torneong may nakalaan na tumataginting na $250,000 papremyo tampok ang $60,000 para sa magkakampeong pares.

Pakay nina Biado at De Luna na maibalik sa Pilipinas ang kampeonato na anim na taon nang hindi dumadapo sa bansa sapul nang magkampeon sina Dennis Orcollo at Lee Vann Corteza noong 2013 edisyon sa London, England.

Ang Pilipinas at China ang winningest teams sa naturang kumpetisyon.

Pinagharian nina Efren “Bata” Reyes at Francisco ‘Django” Bustamante ang 2006 edisyon sa Newport, Wales at ang 2009 sa SM North sa Quezon City.

Sa iba pang resulta, wagi sina reigning champion Wu Jiaqing at Liu Haitao ng China kina Enrique Rojas at Alejandro Carvajal ng Chile (7-1) habang namayani naman sina second seeds Jayson Shaw at Chris Melling ng Great Britain kina Tony Drago at Clayton Castaldi ng Malta (7-5).

 

BIADO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with