^

PM Sports

Petron, F2 magtatagpo

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines – Magtatagpo ang mortal na magkaribal na reigning champion Petron at na-ngungunang F2 Logistics sa inaabangang salpukan ngayong araw sa pagpapatuloy ng 2019 Philippine Superliga All-Filipino Conference sa The Arena sa San Juan City.

Nakatakda ang bakbakan ng Blaze Spikers at Cargo Movers sa alas-7 ng gabi habang magku-krus naman ang landas ng PLDT Home Fibr at Cignal HD Spikers sa alas-4:15 ng hapon.

Namamayagpag ang Cargo Movers na nakasakay sa 3-0 rekord para kapitan ang liderato.

Mabagsik ang F2 Logistics sa kumperensiyang ito dahil sa pagpasok ni Filipino-American Kalei Mau na isa sa pa-ngunahing pinagkukunan ng puntos ng koponan.

Malaking tulong ang 6-foot-2 na si Mau para suportahan sina Ara Galang, Aby Marano, Majoy Ba-ron, Kianna Dy, Michelle Cobb at Dawn Macandili.

“She’s the missing piece to the team because we didn’t have a go-to-guy like her for the past conference. She has a high-percentage in attacking and anytime I need a go-to-guy and a leader, she’s ready to carry the team,” ani F2 Logistics coach Ramil De Jesus.

Kaya naman masusubukan ang lakas ng Blaze Spikers na tangkang makumpleto ang three-peat sa All-Filipino Conference.

Galing ang Blaze Spi-kers sa pukpukang 22-25, 16-25, 25-16, 25-17, 15-10 come-from-behind win laban sa Foton noong Martes kung saan bumandera si team captain Frances Molina na may 15 attacks, apat na aces at isang block.

Nagbigay ng solidong kontribusyon si Sisi Rondina na nagrehistro ng 14 markers gayundin sina Remy Palma at Mika Reyes na may pinagsamang 26 puntos.

vuukle comment

PETRON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with