Porzingis aalukin ng Mavs
MANILA, Philippines – Sa pagbubukas ng free agency sa June 30, plano ng Mavericks na bigyan si Kristaps Porzingis ng five-year, $158 million max deal, ayon kay Shams Charania ng The Athletic.
Mag-uusap sina res-tricted free agent Kristaps Porzingis at Dallas Mave-ricks sa pagbubukas ng free agency sa June 30 at plano ng prangkisa na alukin si Porzingis ng full five-year, $158 million maximum contract, ayon sa league sources.
Ayon kay Chris Mannix ng Sports Illustrated, tila nakabuo ng magandang relasyon si Por-zingis kay rookie Luka Doncic.
Nakuha ang 23-gulang na si Porzingis ng Dallas sa blockbuster deal sa New York Knicks bago ang trading deadline ngunit hindi pa ito nakakalaro sa team.
Nawala si Porzingis noong 2018-19 matapos mapunit ang litid sa kanyang kaliwang tuhod sa larong naging huli na niya para sa Knicks noong February 2018.
- Latest