Jimmy Butler
Houston target si Butler
(Pang-masa) - June 27, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Matapos mabigo laban sa Warriors sa nakaraang dalawang seasons, tini-tingnan ng Houston ang isa na namang talent upgrade.

Ayon sa ulat ni Adrian Wojna-rowski ng ESPN, inaayos ng Rockets ang sign-and-trade arrangement  para makuha sina four-time All-Star Jimmy Butler ng Philadelphia.

Walang espasyo ang Rockets sa kanilang salary-cap para makuha si Butler kaya pabor sa kanila ang takot ng Philadelphia na posibleng mawala sa kanila si Butler ng walang kapalit para mapapayag ang Sixers sa isang trade.

Puwede ring mag-multi team deal ang Rockets alinsunod sa Base Year Compensation para ma-cover ang outgoing salary ni Butler.

Ang posibleng pag-alis ni Butler ay mangyayari, wala pang isang taon mula nang ibigay ng Philadelphia sina Dario Saric, Robert Covington, Jerryd Bayless kasama ang second-round pick para makuha siya.

Ang Houston naman ay handang gumawa ng hakbang kahit may isyu sa salary cap na kinapapalooban ng max contracts para kina Chris Paul at James Harden.

JIMMY BUTLER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with