Batang Pier target ang quarterfinals
MANILA, Philippines – Kasalukuyang nasa four-game winning streak ang NorthPort at may tsansang makamit ang ‘twice-to-beat’ incentive sa eight-team quarterfinal round.
Ngunit ayaw pang magkumpiyansa ni head coach Pido Jarencio.
“Basta kami we just take care of business,” wiki ni Jarencio. “Basta eve-ry game ang goal namin to be in the top two para makuha namin iyung twice-to-beat advantage.”
Puntirya ang tiket sa quarterfinals, la-labanan ng Batang Pier ang Phoenix Fuel Masters ngayong alas-4:30 ng hapon kasunod ang salpukan ng San Miguel Beermen at Magnolia Hotshots sa alas-7 ng gabi sa 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Magkasosyo sa liderato ang NorthPort at TNT Katropa sa magkatulad nilang 7-1 kartada.
Inilista ng Batang Pier ang kanilang ikaapat na sunod na arangkada matapos gibain ang Blackwater Elite, 127-99 na naglaro nang walang import dahil hindi naayos sa oras ang dokumentö ni Jameel McKay na kapalit ni Alex Stepheson.
Itinampok din ng NorthPort ang mga bagong players na sina Sol Mercado, Jervy Cruz at Kevin Ferrer, ibinigay ng nagdedepensang Barangay Ginebra bilang kapalit ni Stanley Pringle.
Hangad naman ng Phoenix na makabangon mula sa 96-99 kabiguan sa Magnolia para mapaganda ang kanilang 2-4 baraha.
Sa ikalawang laro, pupuntiryahin ng Hotshots ang kanilang ikaapat na sunod na panalo sa pagsagupa sa Beermen na tumalo sa kanila sa nakaraang PBA Philippine Cup Finals.
“We have a tough game coming up against San Miguel. Kailangan namin ng magandang preparasyon,” sabi ni Magnolia mentor Chito Victolero. “But at least maganda na ang nilalaro namin, especially on defense.”
Umaasa ang San Miguel na maduduplika ang 119-107 paggupo sa Alaska para sa tsansang makapasok sa quarterfinals.
Samantala, muling kinuha ng NLEX si Olu Ashaolu kapalit ni Tony Mitchell para sa darating na 2019 PBA Governor’s Cup.
- Latest