PLDT pinabagsak ang Marinerang Pilipina
Chris Co (Pang-masa) - June 26, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Pinalubog ng PLDT Home Fibr ang Marinerang Pilipina, 25-21, 25-20, 18-25, 25-14 upang maikonekta ang ikalawang sunod na panalo sa 2019 Philippine Superliga All-Filipino Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Eksplosibo na naman ang inilatag na laro ni three-time NCAA MVP Grethcel Soltones na gumawa ng 22 puntos ga-ling sa 19 attacks, dalawang blocks at isang ace para buhatin ang Power Hitters sa 2-1 baraha.

Matikas din ang depensa ni Soltones nang umani ito ng 12 digs at 10 receptions sa larong tumagal ng isang oras at 33 minuto.

“Sa previous games namin, medyo mabagal ang start namin. Sinabi sa amin ni coach Roger (Gorayeb) na dapat simu-la pa lang high intensity na agad. Every palo, dapat ibigay na agad, pinapalo na namin,” ani Soltones.

Matapos ang malam-yang laro sa nakalipas na pagsalang ng Power Hitters, nakabawi si Aiko Urdas na nagsumite ng 15 markers habang sumuporta naman sina Jorelle Singh at Joyce Sta. Rita na may tig-anim na puntos.

Sa kabila ng panalo, hindi kuntento si PLDT head coach Roger Go-rayeb sa ipinakita ng kaniyang bataan.

“It seems that they are out of focus. That’s not the game I wanted to see after months of practice and a year of togetherness. There’s no steam, we’re lacking of intensity. I’m thankful for the win but they always need a wake-up call before picking up a victory,” ani Gorayeb.

Pantay lamang ang PLDT at Marinerang Pilipina sa blocking (6-6) habang nakaungos ng bahagya ang Power Hitters sa service area tangan ang 6-5 edge.

Subalit kumana ang PLDT ng kabuuang 53 attacks dahil na rin sa magandang playmaking skills ni Jasmine Nabor na nagsumite ng 21 excellent sets.

Nakagawa ng 28 errors ang Lady Skippers kabilang ang mintis ni Judith Abil sa fourth set na nagbigay ng libreng puntos para makuha ng Power Hitters ang panalo.

Patuloy ang paglubog ng Lady Skippers sa 0-4 marka.

 

PLDT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with