^

PM Sports

Importanteng magpahinga si Pacquiao--Fortune

Chris Co - Pang-masa
Importanteng magpahinga si Pacquiao--Fortune
Nag-uusap sina Manny Pacquiao at ang kanyang strength and conditioning coach na si Justine Fortune sa Wild Card Gym.
Alinea/MP Promotions

MANILA, Philippines — Pukpukan ang paghahanda ni reigning World Boxing Association (WBA) regular welterweight champion Manny Pacquiao para sa unification bout nito laban kay undefeated American pug Keith Thurman sa Hulyo 20 (Hulyo 21 sa Maynila) sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Kaya naman binibigyan ng coaching staff ng sapat na pahinga ang Pinoy champion upang magkaroon ng tsansa ang katawan nito na makarekober sa matinding pagsasanay na pinagdaraanan nito.

Ayon kay strength and conditioning expert Justin Fortune, malaking bagay na mabigyan ng pahinga si Pacquiao upang ma-panatili ang sariwa nitong pangangatawan.

Isa rin itong paraan upang makaiwas sa anumang injury ang eight-division world champion.

Sinusundan ng Team Pacquiao ang training pattern na ginamit nila sa paghahanda ng Pambansang Kamao laban kay Lucas Matthysse noong nakaraang taon at kontra kay Adrien Broner noong Enero.

“We’re running the same sort of game plan we did against Matthysse and against Broner where rest is more important for him,” ani Fortune.

Epektibo ang naging training plan ni Pacquiao sa huling dalawang laban nito.

Magugunitang na-pabagsak ni Pacquiao si Lucas Matthysse noong Hulyo ng nakaraang taon via seventh-round knockout win sa labang ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Muling umariba si Pacquiao nang maitarak nito ang impresibong unanimous decision victory kay Adrien Broner noong Enero sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas para mapanatili ang WBA crown.

Matapos magpahi-nga, muling sasalang si Pacquiao sa matinding pagsasanay kasama sina chief trainer Buboy Fernandez at Hall of Famer Freddie Roach.

Inaasahang mas tataas pa ang bilang ng sparring session at mitts ni Pacquiao.

Tuloy pa rin ang pagtakbo nito sa Griffith Park para palakasin ang kanyang stamina.

Sa katunayan, tuloy ang running session ni Pacquiao kahit pa umulan ng bahagya noong Biyernes.

vuukle comment

BOXING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with