^

PM Sports

Kawhi aalis sa Toronto o hindi?

Pang-masa
Kawhi aalis sa Toronto o hindi?

TORONTO - Tatanggihan ni NBA Finals MVP Kawhi Leonard ang kanyang player option sa Raptors, ngunit seryoso niyang ikukunsidera ang pagbabalik sa NBA champions.

Inasahan nang hindi tatanggapin ni Leonard ang kanyang $21.3 million option na huli niyang taon sa nilagdaang five-year, $94.3 million deal sa San Antonio Spurs, dinala siya sa Toronto via trade sa nakalipas na offseason.

May hanggang Hunyo 29, ang kanyang ika-28 kaarawan, si Leonard para magdesisyon kung aalis sa Raptors.

Interesado umano si Leonard, tubong Los Angeles, na lumipat sa L.A. Clippers, habang gusto rin siyang kunin ng New York Knicks sakaling maging isang free agent siya.

“The appeal of returning home to Southern California is enticing to the two-time NBA Defensive Player of the Year,” sabi ni Chris Haynes ng Yahoo Sports. “But with the trust the Raptors built while Leonard led the franchise to its first NBA title by upsetting the Golden State Warriors, rival executives view his current team as the favorite to land him when the free-agent negotiating period begins June 30, sources said.”

Ang Raptors ang tanging koponang makakapag-alok ng max deal na limang taon at $190 milyon, halos $15 milyon na mas malaki sa makukuha ni Leonard sa ibang tropa.

Iniulat ng ESPN noong nakaraang linggo na tinitimbang ni Leonard ang mga short-term offers na maglalagay sa kanya sa free agency sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon kagaya ng ginagawa ni LeBron James.

Naglista si Leonard ng averaged na career-high 26.6 points sa nakaraang season at umiskor ng kabuuang 732 points sa postseason.

Nakamit ang kanyang ikalawang Finals MVP -- ang una ay noong 2014 para sa Spurs -- sa pananaig ng Toronto laban sa Golden State Warriors, 4-2, sa kanilang title series.

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with