^

PM Sports

Gilas Youth wagi sa tune-up vs Al Rayyan

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Wagi ang Gilas Pilipinas Youth kontra sa Al Rayyan, 79-54 sa una nitong tune-up match sa Doha, Qatar kamakalawa.

Giniyahan ng 7’2 tower na si Kai Sotto ang atake ng Gilas youth sa kanyang 19 puntos sa 7-of-10 shooting, dalawang rebounds, dalawang assists at dalawang supalpal sa 26 minutong aksyon.

Sumuporta naman sa kanya ang twin tower tandem niya na si AJ Edu na nagtala rin ng kumpletong anim na puntos, pitong rebounds, limang assists at tatlong supalpal.

Nag-ambag din ng tig-siyam na puntos sina Rhay-yan Amsali at Gerry Abadiano habang may walong puntos din si Geo Chiu para sa balanseng atake ng Nationals na lumamang pa ng hanggang 30 puntos.

Sa kanyang unang laro kasama ang koponan, nagtala rin ng tatlong puntos at dalawang assists ang Rome-based guard na si Dalph Panopio.

Solido rin ang ambag ng iba pang miyembro ng 14-man Gilas youth pool na sina Xyrus Torres, Joshua Lazaro, Carl Tamayo, Migz Oczon, Dave Ildefonso, Bismarck Lina, James Spencer at Terrence Fortea.

Sasabak ulit kontra sa parehong Al Rayyan team ang Gilas youth sa Miyerkules bago tumulak patu-ngong Greece.

Bahagi ang Doha training camp ng paghahanda ng Gilas youth para sa 2019 FIBA U19 World Cup mula Hunyo 29 hanggnag Hulyo 7 sa Heraklion, Greece.

Pagdating sa Greece ay iaanunsyo na rin ni head coach Sandy Arespacochaga ang final 12-man pool na sasalang sa prestihiyosong World Cup para sa Under-and-19 age group category.

vuukle comment

GILAS PILIPINAS YOUTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with