^

PM Sports

Ika-2 panalo asam ng Petron

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pakay ng reigning champion Petron na masikwat ang ikalawang sunod na panalo sa pagsagupa nito sa Foton Tornadoes sa pagpapatuloy ng 2019 Philippine Superliga All-Filipino Conference ngayong araw sa The Arena sa San Juan City.

Magpapang-abot ang Blaze Spikers at Tornadoes sa alas-7 ng gabi matapos ang bakbakan ng PLDT Home Fibr at Marinerang Pilipina sa alas-2 at ng Sta. Lucia Realty at Cignal sa alas-4:15 ng hapon.

Alam ni Petron coach Shaq Delos Santos na mas mapanganib sa kumperensiyang ito ang Foton dahil sa pagbabalik ng ilang key players at pagpasok ng ilang matitikas na manlalaro.

“They are still contenders, a powerhouse team that has tall players. We cannot let our guards down,” ani Delos Santos na tangkang dalhin ang Blaze Spikers sa three-peat sa All-Filipino Conference.

Magarbo ang simula ng Petron nang ilampaso nito ang Marinerang Pilipina noong nakaraang linggo, 25-21, 25-16, 25-10.

Hataw sa naturang laro si Aiza Maizo-Pontillas na tumipa ng 12 kills at tatlong blocks gayundin sina Mika Reyes at Bernadeth Pons na may pinagsamang 19 markers habang umariba rin sina UAAP Most Valuable Player Sisi Rondina at playmaker Rhea Dimaculangan.

“That was just the start. We still need to step up because we’re going to face the contenders starting with Foton,” ani Delos Santos

Mapapalaban ang Petron dahil nakabalik na sina Jaja Santiago at Dindin Manabat na parehong naglaro sa commercial league sa Japan.

Pumasok pa sa tropa sina Marian Buitre, Justine Dorog at Laizah Bendong para makatuwang ng mainstays na sina Mina Aganon, Elaine Kasilag, Maika Ortiz, Shaya Adorador at Jen Reyes.

Nais ng Tornadoes na makabalik sa porma matapos lumasap ng 9-25, 25-23, 22-25, 16-25 pagka-talo sa F2 Logistics noong Sabado sa Imus.

vuukle comment

2019 PHILIPPINE SUPERLIGA ALL-FILIPINO CONFERENCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with