^

PM Sports

Kiefer Ravena puwede nang mag-practice sa Gilas

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos ang 16 buwan, maaari na sa wakas magbalik sa hardcourt action si Kiefer Ravena.

Subalit hindi pa sa opisyal na laro kundi sa en­sayo muna kaya’t inaa­sahang makikipagsanay na siya ngayon sa Gilas Pilipinas na magpapatuloy sa kanilang FIBA World Cup training camp sa Meralco Gym.

“It’s a long and crazy pro­cess but we’ll go through every step of the way. People will never un­derstand what I went through. This experience has made me tougher, hungrier and a lot wiser,” anang 25-anyos na si Ra­vena. “My story will continue once again.”

Matatandaang noong nakaraang Mayo ay na­patawan si Ravena ng 18-buwang suspensyon ng International Basketball Federation (FIBA) ma­tapos mag-positibo sa banned substances ng pe­derasyon.

Dahil dito ay hindi ma­aaring magsanay o ma­kasama man lang ang kan­yang koponan sa Phi-lippine Basketball Association (PBA) na NLEX gayundin ang Gilas Pi­lipinas sa idinaraos na FI­BA World Cup Asian Qualifiers.

Subalit sa wakas ay ma­aari na siyang magsanay ngayon saktong da­lawang buwan bago mag­tapos ang kanyang sus­pensyon sa Agosto 24.

Ibig sabihin nito ay puwede nang makipag-ensayo si Ravena sa PBA mother team na NLEX gayundin sa Gilas na magbabalik sa trai­ning camp nito nga­yon matapos magsimula sa pagsasanay noong na­karaang linggo.

Dagdag pa rito, ang pormal na pagbabalik ni Ra­vena sa Agosto 24 ay sa­sakto rin upang ma-ging available siya sa final roster kung sakali para sa World Cup na magaganap sa China mula Agosto 31 hanggang Setyembre 15.

Nauna na ngang sinabi ni Gilas head coach Yeng Guiao na isa si Ra­vena na kinukunsidera ng koponan na ipalit sa ba­ti­kang point guard na si Jayson Castro.

Kamakalawa kasi ay nag­paalam pansamantala si Castro na hindi muna makakasali sa World Cup upang ilaan ang panahon sa kanyang pamilya na hindi niya naasikaso sa dire-diretsong paglalaro pa­ra sa bayan simula pa 2013. Nagpahiwatig din si Castro ng retirement mula sa national team.

Bukod kay Ravena, inaasahan ding ang pag­da­lo ng mga original pool members na sina June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, Raymond Almazan, JP Erram, Gabe Norwood, Troy Rosario, Marcio Lassiter, RR Pogoy, Scottie Thompson, Paul Lee at Mark Barroca.

vuukle comment

KIEFER RAVENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with