^

PM Sports

Halos perfect Condition na si Manny Pacquiao -- Fortune

Chris Co - Pang-masa
Halos perfect Condition na si Manny Pacquiao -- Fortune

MANILA, Philippines — Abot-kamay na ni eight-division world champion Manny Pacquiao ang perpektong kondisyon para sa nalalapit na laban nito kay American undefeated Keith Thurman sa Hulyo 20 (Hulyo 21 sa Maynila) sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Ito ang ipinagmalaki ni strength and conditioning expert Justine Fortune base sa magandang itinatakbo ng training camp ni Pacquiao sa Wild Card Gym sa Los Angeles, California.

Nakumpleto na ni Pacquiao ang isang linggong training sa Amerika kung saan sumailalim ito sa matinding ensayo kasama sina Fortune, Hall of Famer Freddie Roach at chief trainer Buboy Fernandez.

“Manny’s in near perfect physical condition, his stamina is superb,” pahayag ni Fortune.

Pinapalakas ng coa-ching staff ang stamina ni Pacquiao.

Tuloy ang pagtakbo ni Pacquiao sa Griffith Park kasabay ng ilang shadow boxing at sit up exercises sa tuktok ng naturang bundok.

Naniniwala si Fernandez na hindi lalampas sa dalawang linggo ay makukuha na ni Pacquiao ang 100 porsiyentong kondisyon para sa laban.

“He’s on his way to getting in razor shape. Siguro hndi na aabot sa dalawang linggo, nasa perfect condition na si Manny. Andun na lahat, hinihintay na lang ‘yung fight day,” ani Fernandez.

Mas matinding pagsasanay pa ang pagdaraanan ni Pacquiao sa pagpasok ng second week ng training sa Wild Card Gym.

Sasailalim ito sa sparring session kasama sina Arnold Gonzalez at Abraham Lopez gayundin sa mitts kasama naman sina Roach at Fernandez.

Maliban sa pagpapa-lakas ng kamao, tinututukan din ni Roach ang footwork na magiging malaking papel sa laban ni Pacquiao.

Kita ni Roach sa mga mata ni Pacquiao na nais nitong maitala ang impresibong panalo laban kay Thurman na makailang ulit na nagbigay ng maaanghang na salita sa kanyang mga interview.

“The footwork is real-ly a big key. He wants to win this one a little bit more than usual,” ani Roach.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with