Pasay tinakasan ang Muntinlupa
(Pang-masa) - June 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tinakasan ng Pasay ang title contender at home team na Muntinlupa, 76-75 sa overtime para sa kanilang ikalawang sunod na panalo sa MPBL Season 3 sa Muntinlupa Sports Complex noong Sabado ng gabi.

Nagsalpak si forward Elvin Chan ng pito sa kanyang 11 points sa extra period para tulungan ang Vo-yagers na ipalasap ang pangalawang dikit na kabiguan ng Cagers sa nasabing regional amateur basketball league na binuo ni Senator Manny Pacquiao kasama si PBA legend at dating MVP Kenneth Duremdes bilang Commissioner.

Umiskor si Jan Jamon, isa sa tatlong hold overs sa nakaraang season, ng 15 points kasunod ang 13 markers ni AA Inigo para sa Pasay.

Tumipa naman si Dhon Reverente, isa sa mga bagong recruits ng Voyagers sa off season, ng 10 points para sa una niyang laro sa long-time coach niyang si Keith Martin.

Samantala, binanderahan ni forward Harold Arboleda ang Zamboanga sa 82-69 tagumpay kontra sa Pasig-Sta. Lucia Realtors.

Humakot si Arboleda ng 11 points at 16 rebounds para sa kanyang ika-22 double-double performance, ang pinakamaraming nagawa ng isang player sa MPBL.

Maliban kay Arboleda, nakahugot din ang Zamboanga ng kontribusyon mula sa ibang players para paluhurin ang Pasig, nasa pamamahala ngayon ng long-time basketball supporter na Sta. Lucia Realty sa ilalim ni team ma-nager Buddy Encarnado.

Nakahugot ang Zamboanga ng kabuuang 60 points mula sa kanilang second unit kumpara sa 30 markers ng Pasig.

MUNTINLUPA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with