_pang-masa
^

PM Sports

Cayetano kinikilala ng POC-- Romasanta

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinikilala umano ng Philippine Olympic Committee (POC) si Taguig Congressman-elect Alan Peter Cayetano bilang chairman ng ad hoc committee para sa hosting ng bansa sa 30th Southeast Asian Games ngayong Nobyembre 30 hanggang sa Disyembre 11.

Sinabi ni POC president Joey Romasanta na si Cayetano pa rin ang mamumuno sa Philippine Sea Games Organizing Committee (Phisgoc) bu-nga ng kanyang appointment mula kay dating POC president Jose Cojuangco noong 2017.

Muling iginiit ni Romasanta na ang Phisgoc na nasa ilalim ng POC rules at regulasyon ang kanilang kinikilala at hindi ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) Foundation, Inc. na rehistrado sa Security and Exchange Commission (SEC).

Ang mga incorporators ng Phisgoc Foundation ay sina Ramon Suzara, Donaldo Caringal, Dexter Estacio, Monica Anne Mitra, dating POC president Ricky Vargas, POC secretary general Patrick Gregorio, POC communications director Ed Picson at dating POC chairman Tom Carrasco.

Kahit hindi siya isa sa mga incorporators ng Phisgoc Foundation, ipinahayag ni Cayetano sa press conference noong Huwebes na inirehistro nila sa SEC ang organizing committee upang magkaroon ng legal entity at puweding tumanggap ng pondo mula sa gobyerno.

Inakusahan naman ni Romasanta ang Phisgoc Foundation na gumawa ng mga desisyon na walang aprobal sa POC kagaya ng paglikha ng Games’ official logo, theme, mascot at iba pang marketing collaterals na hindi aprobado ng POC board.

Ang iba pang akusasyon ni Romasanta sa Phisgoc Foundation ay lumagda ng mga kontrata ukol sa transportation, accommodation, sponsorship, marketing campaign, venues, volunteer program, parade uniform bukod pa sa mabagal na pag-usad sa preparasyon ng Sea Games kabilang na ang kawalan ng technical handbook na importante sa lahat ng mga delegasyon.

 “This is a complex problem that needs simple solution. We have to revert to the original plan of having Sec. Cayetano as chairman of the organizing committee under the POC. With that, I am seeking a one-on-one meeting with him before forming a tripartite agreement with him and (Philippine Sports Commission) Chairman Butch Ramirez.”

 

CAYETANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with