Best Center clinics sa Ateneo, Starmall

(Pang-masa) - June 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Magdaraos ang award-winning Best Center ng clinics sa Ateneo college covered courts at sa Starmall Alabang.

Gagawin sa Ateneo ang mga Saturday-only classes para sa basketball at volleyball mula Hulyo 6 hanggang Agosto 24.

Ang mga sesyon ay tuwing alas-8:30 hanggang alas-11:30 ng umaga.

Ang basketball cli-nics ay para sa mga estudyante sa Preparatory Level (5-8 years old) at sa Levels 1, 2, 3 at 4.

Ang volleyball clinics para sa event na itinataguyod ng Milo at suportado ng Rain or Shine, Chris Sports at SKLZ ay para sa Levels 1, 2 at 3.

Ang Sunday-only classes ay gagawin sa Alabang mula Hulyo 7 hanggang Agosto 25 tuwing ala-1 hanggang alas-4 ng hapon. Inilatag ang Levels 1, 2, 3 at 4 sa basketball, habang ang Levels 1 at 2 ay bukas sa volleyball.

Ang mga interesado ay maaaring tumawag sa 411-6260 at sa 372-3065/66 o mag-email sa bestcenter.inquiry@gmail.com o bumisita sa Facebook: bestcentersports inc.

BEST CENTER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with