Real Gold tangka ang 2nd leg ng TC
(Pang-masa) - June 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos maghari sa unang leg ay puntirya ng Real Gold ang ikalawang titulo sa 2019 Triple Crown series ng Philippine Racing Commission na mag­lalarga ng ikalawang leg sa Saddle and Clubs Leisure Park sa Naic, Cavite sa Linggo.

Ang Real Gold ang naghari sa unang karera ng mga tatlong taong ka­bayo nang dominahin nito  ang 1st leg na nilahukan ng walong kabayo na ki­nabibilangan ng paboritong undefea­ted na Obra Maestra na ginanap sa San Lazaro Leisure Park  sa Carmona, Ca­vite noong nakaraang buwan.

Hangad ng C&H Enterprise na nag­mamay-ari sa Real Gold na masundan ang kanilang impresibong panalo ngu­nit anim na malalakas na kabayo-- Best Regards (jockey CP Henson, owner Peter Aguila), Boss Emong (Dan Camañero, Edward Vincent Diokno), Jayz (JA Guce, SC Stockfarm), Phenomenal (JB Guce, Enrique Javier), Shanghai Noon (OP Cortez, Emmanuel Santos) at Toy For The Big Boy (JB Cordova, Alfredo Santos) ang mahigpit na makakalaban ng kanilang alaga.

Paglalabanan ang P1.8 milyong premyo mula sa total prize na P3 mil­yon bilang unang premyo mula sa Philracom para sa 1,800-meter race.

Ang papangalawang kabayo ay mag-uuwi ng P675,000, ang ikatlo at ikaapat ay P375,000 at P150,000, ayon sa pagkakasunod.

May P100,000 na naghihintay sa breeder ng winning horse.

“Real Gold set the bar high in the first leg,” sabi ni Philracom Chairman Andrew Sanchez. “Its performance will keep the rest on their toes.”

Ang huling kabayong naka-sweep ng tatlong legs  ng Triple Crown ay ang Sepfourteen ng SC Stockfarm noong 2017. Nauna rito ang Kid Molave no­ong 2014.

Samantala, sa second leg ng 2019 Philracom Hopeful Stakes Race na itatakbo rin sa 1,800 meters at lalahu­kan ng 10 kabayo sa pangunguna ng coupled entries ng SC Stockfarm na JLO (jockey JA Guce) at Mood Swing (MM Gonzales) ay nakataya ang P600,000 top prize mula sa kabuuang P1 milyong premyo.

PHILIPPINE RACING COMMISSION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with