Blaze Spikers dinomina ang Lady Skippers
Chris Co (Pang-masa) - June 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magarbong sinimulan ng reigning champion ang kampanya nito ma­tapos ilampaso ang ba­guhang Marinerang Pi­lipina, 25-21, 25-16, 25-10, para makuha ang pambuenamanong pana­lo sa 2019 Philippine Superliga All-Filipino Con­ference kahapon sa Imus Sports Center sa Cavite.

Balanseng atake ang ginawa ng Blaze Spikers sa pangunguna ni middle hitter Mika Reyes na kumamada ng limang attacks, tatlong blocks at dalawang aces para pa­munuan ang kanilang tropa sa 1-0 panimula.

“Nag-enjoy lang ka­mi sa laro dahil kaila­ngan masaya lang kami inside the court whether nagkamali ka o hindi. Da­pat smile lang dahil na­kaka-lift ‘yun ng spi­rits ng teammates,” ani Reyes na magdiriwang ng ika-25 kaarawan nga­yong araw.

Gumawa rin ng ma­lalaking puntos sa attack line sina UAAP Season 81 MVP Sisi Rondina, Bernadeth Pons at Ces Molina habang maganda ang koneksyon nina playmaker Rhea Dima­culangan at libero Ria Du­­remdes para makuha ang panalo.

Nagpakawala ang Blaze Spikers ng 42 attacks kumpara sa 21 ng La­dy Skippers.

Kumuha rin ang Petron ng pitong puntos sa blocking department.

Pinarusahan din ng Blaze Spikers ang recep­tion ng Marinerang Pilipina nang magpakawala ito ng walong aces sa la­rong tumagal lamang ng isang oras at 12 minuto.

Tila nangangapa pa ang Blaze Spikers sa um­pisa ng laro dahilan upang makagawa ito ng 18 total errors.

Ngunit mabilis na na­kuha ng Petron ang per­pektong laro para pali­guan ang Marinerang Pi­lipina ng matatalim na atake sa mga sumunod na sets at tuluyang ma­ku­ha ang panalo.

Nalasap naman ng Lady Skippers ang ikattong dikit na kabiguan.

PHILIPPINE SUPERLIGA ALL-FILIPINO CON­FERENCE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with