^

PM Sports

POC election ipinanawagan

Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang araw matapos ang biglaang pagbaba sa puwesto ni Philippine Olympic Committee (POC) President Ricky Vargas ay nanawagan si POC Chairman Abraham Tolentino na magsagawa ng special election para sa nabakanteng puwesto ni Vargas.

Plano ni Tolentino na ilahad ang anunsyo sa gagana-ping general assembly sa June 25. Sa ilalim ng POC Bylaws Article 7 Section 6 - ang special election ay maaa-ring isagawa sa panawagan ng Chairman sa loob ng 30 araw matapos mabakante ang isang puwesto kung sakaling ang mga susunod na opisyal - 1st VP at 2nd VP - ay hindi kuwalipikado na maluklok kapalit sa puwesto.

Ang dalawang opisyal ay kinakailangan na may kakayanang gampanan at may kuwalipikasyon para maging POC President. Kasama rito ang kuwalipikasyon na dapat ay may kasalukuyang puwesto bilang Presidente ng Olympic Sport-NSA.

Sa Article 7 Section 11, nasasaad na ang Presidente ng POC ay kinakailangan na may apat na taong experience bilang NSA President ng isang Olympic Sport sa araw ng eleksyon sa pagka-POC President at kinakailangan na halal sila ng incumbent NSA Presidents na kumakatawan ng Olympic sport, karagdagan pa nito ay dapat silang aktibong miyembro ng POC General Assembly ng mahigit dalawang magkasunod na taon sa araw ng halalan.

Ang acting President ng POC sa kasalukuyan na si 1st VP Jose Romasanta ay Vice President ng Volleyball, samantalang si 2nd Vice President na si Antonio Tamayo ay President ng soft tennis na hindi naman Olympic sport.

Samakatuwid, sa ilalim ng Article 7 Section 6, hindi kwalipikado ang 1st VP at 2nd VP para maupo bilang POC President, ang Chairman ng POC ay ob­ligadong magpatawag ng halalan para mapunuan ang bakanteng puwesto sa loob ng thirty (30) days na mag-resign ang pinuno.

vuukle comment

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with