Kalusugan ni Manny kailangang bantayan
Chris Co (Pang-masa) - June 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bantay-sarado ang ka­lu­sugan ni reigning World Bo­xing Associa­tion (WBA) regular wel­­terweight champion Man­ny Pacquiao upang maiwasan ang pagkaka­sa­kit nito habang nasa trai­ning camp sa Wild Card Gym sa Los Angeles, California.

Kaya naman mas hi­nigpitan ni chief trainer Buboy Fernandez ang pag­tanggap ng bisita partikular na ang mga posibleng may sakit gaya ng simpleng ubo o sipon na maaaring makahawa sa Pinoy champion.

Pinakiusapan nito ang mga bibisita na ipagbi-gay-alam agad kung mayroon silang karamdaman upang makaiwas agad si Pacquiao.

Mas makabubuti na hu­wag muna aniyang bumisita kung tukoy nang may sakit ang mga ito.

“Bawal kay Manny ang magkasakit. If you’re not feeling well, say, you have fever, cough cold, please refrain from visiting him at baka mahawa­an pa ninyo siya at hindi matuloy ang laban,” ani Fernandez.

Pinayuhan din ni Fernandez na iwasan muna ni Pacquiao ang ilang gawain na walang kinalaman sa boksing gaya ng bas­ketball.

Ito ay para makaiwas sa anumang injury ang eight-division world champion.

At sumusunod naman si Pacquiao na bahagi ng kanyang pagiging disiplinado sa training camp.

“Kailangang mag-ingat. Mabuti naman at si­­nu­sunod niya ako sa mga sinasabi ko. Kaila­ngan din na bawasan ang mga bumibisita, iwasan na tumambay ng matagal sa bahay para magkaroon ng sapat na pahinga si Manny,” ani Fernandez.

Nasa kasagsagan ng ensayo si Pacquiao kasama ang buong coaching staff sa pangunguna nina Fernandez, Hall of Famer Freddie Roach at strength and conditioning expert Justin Fortune.

Muling tumakbo ng 5.6 milya si Pacquiao sa Griffith Park kasama ang kanilang mga running mates at trainers.

Pinaghahandaan ni Pac­quiao ang unification bout laban kay undefea­ted American boxer Keith Thurman sa Hulyo 20 (Hulyo 21 sa Maynila) sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

MAN­NY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with