Ang bagong Northport
POINT GUARD - Nelson Beltran (Pang-masa) - June 21, 2019 - 12:00am


Sa kanyang rookie year pa lang, mukhang si Robert Bolick na ang magiging pangunahing mukha ng NorthPort Batang Pier franchise dahil sa paglipat ni Stanley Pringle sa Barangay Ginebra.

Actually, bago pa ang trade na nagdala kay Pringle sa Ginebra, si Bolick na talaga ang naging lead force ng Batang Pier dahil nagpapagaling ng injury si Pringle.

Pinangungunahan ni Bolick ang mga Batang Pier sa scoring sa kanyang average na 17.29 points kasama ang iba pang norms na 5.43 rebounds at 4.43 assists.

Bahagyang nasa ilalim si Sean Anthony at Moala Tautuaa na tumitikada rin ng double-digit averages dahil concentrated sa pagiging rim defender at rebounder ang kanilang import na si Prince Ibeh.

Extra special ang effort ni Bolick sa kanilang 107-105 overtime win kontra Rain or Shine noong na­karaang gabi. Isa siya sa eight-man NorthPort team na gumiba sa ROS at kasama sa kanyang 22-point performance ang three-point bomb na nag-pu­wersa ng extra period.

Muling hahaba ang rotation ni coach Pido Jarencio dahil nakuha sina Sol Mercado, Kevin Ferrer at Jervy Cruz kapalit ni Pringle.

Pero kahit na dumating ang tatlong dating Ginebra players, ramdam ko na patuloy na si Bolick ang magiging take-charge guy ng koponan – bagay na sanay siyang gawin mula sa kanyang paglalaro sa San Beda sa NCAA.

Kung masusustine ang winning romp, mukhang lalaban ang mga Batang Pier sa pagsungkit ng twice-to-beat advantage sa quarterfinals.

Ang mga natitirang laban ng NorthPort ay Blackwater, Phoenix Pulse, Columbian Dyip at Meralco.

Patuloy kayang magagandang ngiti ang dadalhin ni coach Pido sa pagpasok sa press room? Patuloy kayang “I love you” ang pamamaalam niya pagkatapos ng postgame interview?

ROBERT BOLICK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with