Magsisimula uli ang New Orleans
NEW ORLEANS — Sa paglipat ni six-time All-Star Anthony Davis sa Los Angeles Lakers, sisimulan naman ng Pelicans ang pagbubuo sa isang ma-lakas na koponan.
At ito ay sa pamamagitan ng paghugot kay Duke star Zion Williamson bilang No. 1 overall pick sa NBA Draft matapos si Davis noong 2012.
Nasa kamay ng New Orleans-- nakamit ang No. 1 pick sa noong nakaraang buwan -- ang karapatang piliin si Williamson bilang top overall sa Biyernes (Manila time).
Hindi inihayag nina bagong Pelicans executive vice president of basketball operations David Griffin at head coach Alvin Gentry ang kanilang draft intentions.
“Really very little. Minimal, OK? I think we’ll make the right decision,” wika ni Gentry. “The ability to make that first pick this year gives a boost to our franchise right away. We’re going to end up with a really good basketball player.”
Ang 6-foot-7 at 285-pounder na si Williamson ang ikalawang freshman na naging consensus national player of the year kagaya ni Kevin Durant sa Texas noong 2007.
- Latest