Makati, Manila panalo
ANTIPOLO, Philippines — Nagtala ng magkahiwalay na panalo ang Makati Super Crunch at Manila Stars sa MPBL Season 3 sa Ynares Sports Center dito.
Inilampaso ng Makati, nagtala ng pinakamahabang winning streak noong nakaraang season na 15-wins bago yumuko sa quarterfinal round kontra sa Quezon City, ang home team Rizal Golden Coolers, 73-51 sa isang lopsided win ng torneong itinatag nina Senator Manny Pacquiao at PBA legend at MVP na si MVP Kenneth Duremdes bilang commissioner.
Nanguna si ex-pro Joseph Sedurifa sa pagkamada ng 15 points habang tumapos si John Rey Villanueva ng 14.
Kinailangan namang dumaan sa butas ng karayom ng Manila para itakas ang 86-85 win kontra sa Quezon City.
- Latest