^

PM Sports

Pamamaril sa pagdiriwang ng Toronto

Pang-masa
Pamamaril sa pagdiriwang ng Toronto

TORONTO — Nagkaroon ng pamamaril at stampede sa pagdiriwang ng NBA champion Raptors kung saan apat ang tinamaan ng bala na sanhi ng takbuhan ng libu-libong tao malapit sa stage kung saan naroon ang mga players at si Canadian Prime Minister Justin Trudeau.

Tatlong tao ang ina-resto at dalawang baril ang narekober, ayon sa mga Toronto police at hindi tinalakay ng mga imbestigador ang motibo ng pag-atake.

Nagtakbuhan ang dagsang Raptors fans palayo sa pinangyarihan ng putukan sa City Hall square na punum-puno ng libu-libong katao.

Ayon kay Police Chief Mark Saunders, hindi naman seryoso ang tama ng apat na biktima at mayroon ding mga nagtamo ng minor injuries dahil sa takbuhan.

Sa speech ng isa sa mga team owners, pinutol ito para alertuhin ang mga tao at kumalma. Sina Trudeau, Toronto Mayor John Tory, NBA Finals MVP Kawhi Leonard at iba pang players ay nasa stage nang mangyari ang insidente,

“I want to make sure everyone stays calm,” sabi ng host na si sportscaster Matt Devlin. “This is serious. Everyone stay calm ... There is an emergency being dealt with.”

Walang bumaba ng stage at nagpatuloy ang pag-i-speech ng bawat isa.

“I hope all those injured in today’s shooting have a speedy recovery, and I’d like to thank the Toronto police for acting so quickly,” tweet ni Trudeau.

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with