^

PM Sports

Creamline puntirya ang semis

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pakay ng reigning champion Creamline na masungkit ang ikalawang silya sa semifinals sa pagsagupa nito sa mapanganib na Motolite sa pagpapatuloy ng 2019 Premier Volleyball League Reinforced Conference sa The Arena sa San Juan City.

Nakatakda ang bakbakan ng Cool Smashers at Power Builders sa alas-5 ng hapon matapos ang duwelo ng Pacific Town-Army at BaliPure sa alas-3.

Nakuha ng Creamline ang mabilis na 25-12, 25-19, 25-16 panalo laban sa BanKo Perlas sa unang out-of-town game ng liga sa University of San Agustin gym sa Iloilo City noong Sabado.

Ito ang nagdala sa Cool Smashers sa ikalimang panalo sa anim na laro para mapatatag ang kapit sa No. 2 spot.

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Creamline para samahan sa semis ang PetroGazz na nagtataglay ng imakuladang 7-0 baraha.

Kukuha ng lakas ang Cool Smashers kina Open Conference MVP Alyssa Valdez, Thai import Kuttika Kaewpin at Venezuelan Aleoscar Blanco na tatlong top scorers ng koponan.

Ngunit haharapin ng Creamline ang Motolite na unti-unti nang naglalabas ng bangis matapos maikonekta ang dala-wang sunod na panalo.

Nakahimpil sa ika-apat na puwesto ang Power Builders tangan ang 2-4 baraha.

Sasandalan ang Power Builders sina imports Channon Thompson at Krystelle Esdele.

vuukle comment

2019 PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE REINFORCED CONFERENCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with