Manny Pacquiao
Pacquiao ayaw patulan si Arum
Chris Co (Pang-masa) - June 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi na pinatulan ni eight-division world champion Manny Pacquiao ang mga litanya ni Top Rank Promotions Bob Arum.

Sa halip, nais ni Pacquiao na isentro ang kanyang atensiyon sa pukpukang training camp nito sa Wild Card Gym sa Los Angeles, California kasama si Hall of Famer Freddie Roach.

“Focus lang sa training dahil mas matindi ang training na pagdaraanan ko. Mas maraming rounds ng sparring and mitts. Good thing rin na makakapag-acclimatize ako,” ani Pacquiao.

Nauna nang inihayag ni Arum na nangangamba ito sa posibilidad na magtamo ng brain injury ang 40-anyos na si Pacquiao sa pagharap nito kay undefeated American fighter Keith Thurman sa Hulyo 20 (Hulyo 21 sa Maynila) sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Sinabi ni Arum na habang tumatanda ang isang tao, mas numinipis ang bungo nito dahilan upang mas maging prone ang isang boksingero sa anumang brain damage.

Ngunit ipinagkibit-balikat lang ito ni Pacquiao.

Naniniwala ang Pinoy champion na nakaagapay sa kanya ang Diyos sa tuwing lalaban ito.

“God is good all the time. Nandiyan parati si God para protektahan ako kaya walang dapat ipangamba,” ani Pacquiao.

Nagpasalamat na lang ito sa sinabi ni Arum.

Nakabase rin aniya ang anumang brain injury kung hindi handa ang isang boksingero sa laban.

Ayon pa kay Pacquiao, kailangan lang ng matinding pag-iingat at sapat na paghahanda para maiwasan ito.

Sa katunayan, pinuri ni strength and conditioning expert Justin Fortune ang katawan ni Pacquiao.

MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with