James Harden
James Harden babalik uli
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - June 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa ikatlong pagkakataon ay bibisita ulit si NBA superstar James Harden sa Pilipinas.

Magaganap ang pagbabalik ni ‘The Beard’ sa bansa sa Hunyo 26 sa SMX Convention Center sa Pasay City para sa “Free to Harden Freestyle Hub” event ng Adidas.

Sa naturang event ay ipakikilala ni Harden ang pinabagong produkto sa kanyang signature line na Harden Vol. 3 na inaasahang magkakahalaga ng P7, 500 sa lahat ng Adidas stores sa bansa.

“We’re excited to bring back James Harden to Manila— this time for adidas— in this great opportunity for him to meet and get to know his Filipino fans better,” ani Jen Dacasin, Sports Marketing Manager Adidas Philippines Brand Communications.

Matatandaang noong 2013 ay bumisita na si Harden sa Pilipinas para sa NBA 3x3.

Sa parehong taon ay naging bahagi rin siya ng makasaysayang pre-season game sa pagitan ng Houston Rockets at Indiana Pacers.

Maaring makilahok sa Free to Har-den Freestyle Hub event ang lahat ng Harden fans sa pamamagitan ng pagbili ng hanggang P5, 000 single receipt purchase sa lahat ng Adidas stores sa bansa.

Si Harden ang reigning MVP ng National Basketball associa-tion (NBA) matapos magrehistro ng 36.1 puntos, 6.6 rebounds at 7.5 assists.

Kandidato ulit si Harden sa naturang parangal ngayong taon kasama sina Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks at Paul George ng Oklahoma City Thunder.

JAMES HARDEN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with