Kumikilos na ang Toronto
(Pang-masa) - June 18, 2019 - 12:00am

LAS VEGAS, Nevada — Habang nagdiriwang ang mga Raptors dito sa Las Vegas bilang bahagi ng kanilang extended celebration matapos angkinin ang kauna-unahang NBA championship sini­mulan na ng manangement ang pagkilos

Sa bisperas ng inihandang parada para sa Raptors ay sinabi ni coach Nick Nurse na sinimulan na nila ni general ma-nager Bobby Webster ang pagtalakay sa mahahala-gang bagay.

Isa na rito ay ang pagpapanatili kay forward Kawhi Leonard.

“Bobby and I have already had two meetings about it since the championship,” wika ni Nurse. “The reality is that it’s right upon us, and we get to work. I’ve got several meetings today with some players. We don’t have any choice but to get to work on it. My thought, always, is stay hungry. We’ve got to get our guys that we want back.”

Inaasahang gagamitin ni Leonard, hinirang na Finals MVP, ang opsyon na makawala para sa final year ng kanyang kontrata para maging free agent.

“We definitely want him back,” wika ni Toronto forward Pascal Siakam kay Leonard.

Hangga’t maaari ay ayaw din ni center Marc Gasol na umalis si Leo-nard sa Raptors.

“I don’t think there’s any other player of his caliber right now in the NBA,” wika ni Gasol. “He’s on a pedestal by himself.”

Inaasahan naman ni longtime teammate Danny Green na ang magi-ging desisyon ni Leonard ay may epekto sa NBA.

Samantala, unti-unti nang nagtitipon ang Toronto Raptors sa rutang daraanan ng victory parade nitong Lunes na inaasahang hahatak ng 2 milyong katao  para ipagdiwang ang kanilang kauna-unahang NBA title.

Sasakay ang mga pla­yers sa double-decker buses dala ang Larry O’Brien Trophy to celebrate their victory over the Golden State Warriors in six games.

Nakatakdang magsi-mula ang parada sa alas-10 ng umaga sa Exhibition Place’s Princes’ Gates at matatapos sa Nathan Phillips Square para sa alas-12:30 ng tanghaling rally.

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with