Ricky Vargas
Haharap si Vargas
Francisco Cagape (Pang-masa) - June 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inaasahang maaayos na ang lahat sa Philippine Olympic Committee sa pakikipagtagpo ni President Ricky Vargas sa mga miyembro ng POC Board sa isang executive session ngayon upang linawin ang mga isyu na hindi nila nakakapag-unawaan.

Mahigit walo sa 13 kabuuang miyembro ng Board ang nagtakda sa nasabing pagtitipon sa opisina ng POC sa Philsports Complex sa Pasig City.

“I have decided to accept the call of the majority of executive board members for  session with me on 18th of June to clear up the matters in the interest of unity in this crucial stage of our preparations for the Southeast Asian Games,” sabi ni Vargas sa isang press statement noong Sabado.

Kahit ang International Olympic Committee sa pamamagitan ni Jerome Polvey, ang IOC head sa National Olympic Committee Relations ay nagpahayag din ng pag-aalala sa mga pangyayari at hinikayat si Vargas na ayusin ang hindi pagkakaintindihan.

“We found out that the POC president entered into transactions without the knowledge of the POC board. As members of the board, we called for an executive session with the POC president to clarify his position on these issues. He should explain to us what is happening,” pahayag ni archery association president Clint Aranas, ang spokesman ng majority sa POC Board.

Ayon kay Aranas sa isang press conference noong Biyernes sa kanyang opisina sa GSIS building sa Pasay City na ang lahat ng mga pangyayari ay hindi kasali ang buong sports ng bansa kundi isa lamang itong internal problem ng POC.

“This is just an internal problem of the POC. It has nothing to do with sports in our country as a whole. We would like the Sea Games to succeed. We are supporting our hosting of the Sea Games,” ayon kay Aranas ang Presidente at General Manager ng GSIS.

RICKY VARGAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with